Summerslam WWV

Astig maraming tao masmarami pa kesa last year… masmaraming bote na nagliparan at mas dumami ang freaks… nandun pa din ang notorious “Oy Oy Boys” at madami pa din bollocks.. napuno ang bleachers di tulad last year umabot din sa likod ang tao (unlike sa Summer Slam 3 ay nakakatakbo pa kami sa tracks).. kumonti ng 500ml ang pepsi.. nagmura ang beer.. maliit pa din ang shirts na binibenta nila (pangit pa ung printing.. kumukupas agad)… ang pizza ay bitin.. pero busog naman sa Saya..

Dumating kami sa Amoranto around 5:30.. ayus diba? 6:20 pa ang set ng P.O.T. (reunion gig nila).. yun ang alam ko.. sabay pasok sa stage ang Sponge Cola (nyak!!! kala ko P. O. T. muna).. ayus lang wala naman problema dun eh.. syempre di mawawala sa set nila ung “KLSP”, “Lunes”, at “Jeepney”.. tapos ung bago nilang single “Una”.. tapos nila si Kitchie Nadal naman.. (nagkagulo na ang mga manyak..) hehehehe.. tapos nagkaroon ako ng amnesia hindi ko na naalala ung sumunod.. bumalik lang ulirat ko nun P.O.T. na… hayup talaga si Sir Kaloy.. halimaw si Ian.. Overall hinayupak sila ang galing hanggang ngayon nakatayo pa din balahibo ko… after nila CR break muna.. sabay banat ang Kamikazee.. hinayupak din sa galing.. bago mga binanatan nila.. “Chiksilog”, “Narda”, “Sexing Sexy”, at “Sobrang Init”.. sabay tira ng “Girlfriend” sa dulo.. si Jay (vox ng Kamikazee) sobrang kulit.. hinahamon si Carlos Agassi ng suntukan.. at syempre nag burlesk nanaman.. tapos nila ang Queso (formerly known as Cheese) mayhem nanaman sa harapan ng stage.. tapos nila Greyhoundz.. (Oo nga pala, watch out sa mga bagong album ng Queso, Greyhoundz, at Kamikazee..).. isa pang notable performance sa SS5 ay sa Mayonnaise.. nagkantahan ang buong Amoranto sa “Jopay”.. nagkaroon nanaman ako ng amnesia hanggang sa set ng Slapshock (hindi ko nga namalayan ang Tsikoski at Kjwan) (hinahantay ng mga kasama ko ang Slapshock eh).. ang mga maliligalig na tao nang maaga pa ay nagsi-upuan at ang mga sumusundot ay natulog… sayang paalis na kami nun set na ng Typecast (nasample-lan ako ng konting tugtog nila, mukhang ayus eh)…

Ung lang ang mga naala ko nun SS5.. next year ano kaya ang mangyayari? ano kaya ang mababawas? next year kita kita nalang tayo uli..

No related posts.


Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.
Your Ad Here

Comments are closed.