Pulp Summerslam VI
Almost one year na ko absent dito ah..hehehe!!! masyadong busy kasi sa kaiisip ng kung
ano-ano.. last saturday nga pala (April 29th) ginanap nanaman ang 6th installment ng PULP SUMMERSLAM (kala ko di ako makakapunta ngayong taon, na OP na ko sa mga bata..hahahaha).. kasama ko uli ang dating cast (sila Velle “the Ant”, Rhiza, Mervz “the T**e, Ferdz “the Drinking Master”, Bryan “Gymboy”, at si Ate Arlene “Ang Amazona”) tapos may dagdag pa na mga newbies (sila Apie, Dheza, Fhei, at si Ryan “the legendary Popoy King”) at pati na din si Jeff “the Relaks” (na beterano na din sa ilang Summerslam)…
Ngayong taon medyo magulo ang line-up nila di sila nag-post sa website nila kung ano schedule ng mga performances ng mga banda (para ata may surprise factor sa mga nagpunta).. mga bandang 5 ng hapon na kami nakarating sa Amoranto Stadium (ang bahay ng Pulp Summerslam mula nung 2003).. sa pila palang maririnig mo na ang tugtugan.. naabutan na namin ang set ng Protein Shake medyo ok naman.. kaso dedma ang mga tao kasi maiinit (madami na agad yung mga tao ng ganung oras)… tapos nila ay ang Sandwich..syempre inumpisahan nila ng “Sugod” at ang mga tao ay nagsuguran pa harap at tatalon-talon..hahahaha (mga tinugtog nga pala nila ay galing sa album nila na FIVE ON THE FLOOR)…magaling ang set nila magaling sa vox si raymund… sumunod naman ay ang BAMBOO.. parang abnoy si bamboo (pasintabi nalang sa bamboonians) ok sila kaso di ko lang trip… then ilang minutong break hanggang lumubog na ang araw.. Lumabas si Tenga (akala ko si onyok) umepal lang ng saglit sa stage.. Next up sa stage ay ang Las Vegas based na Jaggedy Ann… old school ang tugtugan… ayus!!!eto pa puro babae sila… asteeeg!!! si Julia (Clarete) ang nag host ng mga parts na yun astig (p*ta$#%nang bunganga yan).. sabay pasok ang KAMIKAZEE… medyo tame ata ngayon si manong jay…(sa set ata nila nawala yung 200 pesos ko) ang kulit kasi nila (ako pala ang makulet)…nakalimutan ko na yung mga sumunod.. Chicosci, Paramita, Spongecola, Hale
(bakit pa to sinama? no offense sa mga “Halers”),Urbandub (the best), Sunflower Day Camp (magaling!!! nakakatuwa sila!!! lalu na ung kanta nila na “Pano na yan”), Pedicab, Slapshock (wala sila sa line up pero tumugtug din sila, minus lang ung mga nagkakagulo dati sa harap), Greyhoundz (happy 10th year anniversary).. Mga bandang 2 na kami umalis sa amoranto.. di na namin naabutan ung Queso, Sin (di ko alam kung nauna na sila tumugtug, BIG TAYM NA KAYO PARE), at Radioactive sago Project.. mga pagod na kasama ko at ako masakit na ulo bitin ata sa beer.. masaya naman kaso di pa
din nagkasya ung t-shirt.. pero overall ok sya..ano kaya mangyayari next year?sana
masmalaki na venue para masmasaya..hehehehe.. ASTIG TAYO pwera ang pogi rock..:D
No related posts.



Posts


